KALIBO, Aklan – Nasa 2,085 police personnel ang nakabantay ngayong Todos Los Santos sa boong rehiyon ng Western Visayas.

Ayon kay Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-6), nakaalerto na umano ang kanilang hanay upang matiyak ang kaligtasan ng libu-libong tao na dadalaw sa kanilang namayapang kaanak sa iba’t ibang sementeryo.

Naglagay aniya sila ng help assistance desk sa mga sementeryo, terminals at maging sa mga tourist destination upang makaresponde kaagad ang mga personnel sakaling magkaroon ng problema.

Ngayong araw umano masusubok ang kanilang inilatag na security plan sa ilalim ng “Oplan Ligtas Undas 2019.”

Samantala, pinaalalahanan naman ni Malong ang mamamayan na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo ang mga deadly weapons, alak at mga malalakas na tugtog.