-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Miami Heat ang kontrata ng kanilang guard na si Tyler Herro ng apat na taon.
Ayon sa koponan na nagkakahalaga ng $30 milyon kada season ang nasabing kontrata nito.
Sinabi ni Heat president Pat Riley na isang multi-faceted player si Tyler kaya hindi na nila ito binitawan.
Malaki aniya ang improvement niya kada taon mula ng makuha nila ito.
Ang 22-anyos na si Herro ay pang 13th overall ng Miami noong 2018 NBA Draft.
Mayroon itong average na 16.7 points, 4.7 rebounds at 3.2 assists kada araw.