-- Advertisements --
MILWAUKEE – Kumamada ng team-high 25 points si reserve guard Goran Dragic at walong assists sa panalo ng Miami Heat kontra Milwaukee Bucks, 131-126 overtime game.
Nagdagdag ng 19 points si Bam Adebayo at nakabawi ang Heat mula sa 21-point third-quarter deficit para talunin si Giannis Antetokounmpo at ang Bucks.
Nagtapos naman si Antetokounmpo ng 21 points, 17 rebounds at siyam na assists, pero nakapagtala naman ng walong turnovers at pinatawan ng limang foul sa huling 2:31 ng overtime.
Una rito, fouled out din si Antetokounmpo sa laro ng Bucks noong Biyernes ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Houston.
Samantala, tumipa naman ng 18 points si Kendrick Nun bago nasimot ang limang foul para sa Heat, na mayroong pitong manlalaro na may double digits.