-- Advertisements --

CEBU – Walang sapat na kakayahan ang Miami Heat na talunin ang Los Angeles Lakers sa NBA Finals ngayong season. Ito ang “fearless forecast” ng sports analyst na si Jun Migallen matapos ang Game 1 ng dalawang koponan.

Ayon kay Migallen na malaki ang kalamangan ng Lakers kung pag-uusapan ang tungkol sa karanasan ng ilang players nito sa NBA Finals samantalang lamang din umano na “big men” ang mga players ng Lakers.

Gayunpaman, nagpakita naman sa kanilang pagiging agresibo ang Miami Heat sa Game 1 at tinawag ni Migallen na “promising team” ang Heat kung saan posibleng sa mga susunod na taon makakamit din nito ang NBA Finals Championship.

Ngunit sa ngayon makokonsidera umanong ‘mismatch’ ang dalawang team dahil walang kakayahan ang Heat na talunin ang Lakers.

Kaugnay sa pagtataya ni Migallen, wala umanong mangyayaring Game 7 sa pagitan ng dalawang koponan at posibleng hindi na rin daw aabot sa Game 6 ang laro at meron nang mag-champion

Sa Game 1 ay nakuha ng LA Lakers ang buwena manong panalo sa NBA Finals laban sa Heat sa iskor na 116-98.

Samantalang inaabangan na ng mga fans ang Game 2 ngayong Sabado, Oktubre a-tres, alas nuebe ng umaga oras sa Pilipinas.