-- Advertisements --

Umabot sa 53°C ang heat index sa Iba, Zambales ngayong Linggo, Abril 28, ang pinakamataas na naitala ng weather bureau sa bansa para sa 2024.

Ang heat index, na tinatawag ding ‘feels-like temperature’ dahil ito ang temperaturang nararamdaman ng katawan, ay sinusukat gamit ang air temperature at relative humidity.

Nauna nang sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando noong Abril 12 na may mga ginagawa nang pagsisikap para mapabuti ang heat index monitoring at early warning system para sa bansa.

Sinuspinde rin ang klase sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas nitong mga nakaraang linggo dahil sa mataas na antas ng heat index.