-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang paghahanda ng Commission on Elections para sa paparating na mid-term elections sa bansa sa May 12, 2025.
Ayon sa Comelec, malapit na nilang maabot ang target nila na 3-milyong bagong botante sa bansa.
Ani Comelec Chairman George Erwin Garcia, kapagpumupunta sa registration sites ang ilan, hindi lang naga-apply kundi nagpapa-reactivate din ang iba dahil dati ng registered voters.
Sakali naman umanong maabot ang target na bagong bilang ng mga botante, aakyat na sa 71 milyon ang maaaring bumoto sa mid-term elections.