-- Advertisements --

Hinimok ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mga guro na lumabas sa kanilang mga “comfort zones” para makasabay sa mga pagbabago sa loob ng sektor ng edukasyon. 

Binigyang-diin ni Villanueva na sa tulong ng mga guro ay mahalagang magkaroon ng mas mahabang experiential learning ang mga estudyante upang mas mahasa sila bago pa man pumasok sa napiling industriya.

Tinukoy din ng senador ang isang malaking hamon na kinahaharap ng mga guro sa bansa at ito ay ang pagsiguro na makatatagpo ng trabaho ang mga graduates sa gitna pa rin ng mabilis na pagbabago sa workplace landscape.

Binigyang-diin din ng mambabatas na mahalagang  lumabas din sa kanilang mga comfort zones ang mga guro dahil malaki ang papel ng mga ito sa paghubog sa kinabukasan ng mga estudyante. 

Dagdag pa ng senador na responsibilidad naman nila sa pamahalaan na bigyan ang mga guro ng oportunidad para sa patuloy na professional development sa pamamagitan ng microcredentialing.