-- Advertisements --

Lalo pang lumala ang sitwasyon ng mga health care workers sa bansa kumpara nang magsimula ang COVID-19 pandemic dahil nahaharap ang mga ito sa ngayon sa bagong infection surge, ayon sa Filipino Nurses United.

Ayon kay nurse Jaymee de Guzman, national treasurer ng FNU, nakakawala na raw ng pag-asa at gana para sa kanilang mga healthcare workers ang sitwasyon sa kasalukuyan.

Hindi rin aniya masisisi na maraming mga healthcare workers ang pinili na tumungo ng ibang bansa kasi sa kabila ng kanilang mga panawagan sa pamahalaan na tulungan sila ay hindi naman daw ang mga ito natutugunan.

Kahapon, pumalo sa 7,103 ang bagong COVID-19 cases sa Pilipinas, pinakamataas na daily tally magmula nang mang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Ayon kay De Guzman, ramdam na nila ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil “punong-puno” na rin aniya ang mga ospital sa mga bansa, at maging silang mga empleyado ay tinatamaan na rin ng naturang respiratory disease.

Sa ngayon, nakakaranas na rin aniya sila ng shoratage sa personal protective equipment kagaya na lamang ng face shields.