butuan

BUTUAN CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DoH)-Caraga kagabi ang isang bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala sa rehiyon matapos matanggap ang resulta sa RTPCR results mula sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Ito ay ang 37-anyos na babaeng health worker sa Caraga Regional Hospital (CRH) sa Surigao City.

Maalalang bilang bahagi sa hospital protocols, ang lahat ng health workers ay ni-require na sasailalim sa facility quarantine.

Nanatiling asymptomatic ang nasabing health workers matapos ang 14 na araw na strict quarantine ngunit admitted na ito sa nasabing ospital para sa obserbasyon, monitoring at follow-up test.

Isinagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha sa nasabing health worker.

Samantala, negatibo naman ang R-PCR laboratory results sa 15 mga suspect case sa coronavirus disease.

Ang nasabing mga negative suspect patients ay na-admit sa Butuan Doctors’ Hospital, Butuan Medical Center-Annex, D.O. Plaza Memorial Hospital, Manuel J. Santos Hospital, Nasipit District Hospital at Caraga Regional Hospital.

Sa kasalukuyan ay may kabuuang apat na kumpirmadong kaso sa sakit ang Caraga kung saan ang tatlo ay na-discharge na at tuluyan nang naka-recover.