-- Advertisements --

Tiniyak ni National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMO) spokesperson Mark Timbal na nasusunod ang minimum health protocols sa COVID-19 pandemic sa paglilikas naman ng mga residenteng apektado ng Tropical Storm Pepito.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Timbal na maayos na nakalatag ang kanilang sistema para sa evacuation ng mga residenteng apektado ng bagyo sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Timbal, lahat ng mga residenteng kanilang pinalilikas ay pinapasuot ng face mask at face shield, at pinapadala rin ng kanikanilang sanitizers.

Tiniyak din nito na hindi magiging siksikan ang mga evacuees sa mga evacuation centers.

Ang mga evacuation centers na ito ay malayo rin aniya sa mga isolation facilities upang matiyak ang kaligtasan ng mga evacuees sa novel coronavirus.

vc: narito ang bahagi ng panayam ng Bombo Radyo kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal

Mahigit 300 indibidwal sa Aurora province ang lumikas sa dahil sa Tropical Storm Pepito.

Sinabi ni Timbal na 335 katao ang lumikas na, kung saan 253 rito ang nananatili sa 13 evacuation centers sa probinsya.

Wala naman aniyang napaulat na nasawi dahil sa bagyo.

Kagabi nang mag-landfall ang Bagyong Pepito sa San Idelfonso Peninsula sa Casiguran, Aurora.

Samantala, iniulat ni Timbal na 20 barangay sa probinsya ng Pampanga, isa sa Mansatol at 19 sa Macabebe ang binaha dahil sa epekto ng tropical storm.