1

Mahigpit na inobserba ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) ang physical distancing at iba pang health protocol sa kanilang pagbabalik sa sesyon ngayong araw.

Sa ipinadalang larawan ng SC-Public Information Office (PIO), sa isinagawang unang regular en banc session, makikita na mayroong mag acrylic dividers sa pagitan ng mga mahistrado.

Bukod dito, nakasuot din ng face mask ang mga justices ng Korte Suprema.

Ayon sa SC-PIO, ang ikinabit na acrylic dividers ay bahagi ng new normal sa deliberasyon ng SC en banc bilang pag-iingat sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ngayon, balik na rin ang Korte Suprema sa full operations matapos isailalim ang Metro Manila sa general community quarantine.