-- Advertisements --

Nag-sorry ang commissioner ng US Food and Drug Administration na si Dr. Stephen Hahn dahil sa misinterpretasyon nito sa key statistic na nagpapakita kung gaano ka-epektibo ang blood plasma upang pagalingin ang isang indibidwal na may COVID-19.

Ito’y matapos ang inilabas na emergency approval ng Estados Unidos sa pagkuha ng plasma sa isang indibidwal na gumaling mula sa nasabing sakit.

Subalit inulan ng kritisismo si Hahn at iba pang senior health oficials makaraang ulitin ang unang inilabas na impormasyon ni President Donald Trump na kayang pababain ng blood plasma ang mortality rate ng hanggang 35 percent.

“What that means is — and if the data continue to pan out — 100 people who are sick with COVID-19, 35 would have been saved because of the administration of plsma,” saad ni Hahn.

“I just want to emphasize this point because I don’t want you to gloss over this number. We dream in drug development of something like a 35 percent mortality reduction. This is a major advance in the treatment of patients. This is a major advance,” dagdag naman ni health secretary Alex Azar.

Tunay ngang malaking pagbabago ang maidudulot ng datos na ito sa laban ng Amerika sa pandemic ngunit mali umano ang impormasyon na ito.

Ayon sa mga opisyal, ang resulta na ito ay nagmula sa 35,000 pasyente na isinailalim sa pagsusuri ng Mayo Clinic ngunit pinasingungalingan naman ito ni Dr. Scott Wright na siyang namuno sa naturang pag-aaral.

Paglilinaw ni FDA spokeswaoman Emily Miller na ang tinutukoy nilang 35 percent at mula sa relative difference ng mortality risk sa pagitan ng mga pasyente sa pagsasaliksik ng Mayo clinic na nakatanggap ng mataas na lebel ng antibodies kumpara sa mga nakatanggap ng mababang lebel lamang ng antibodies.