ILOILO CITY – Nakatakdang magpulong ang health ministers mula sa tinaguriang world’s richest seven democracies.
Ito’y upang pag-usapan ang bagong variant of concern ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na Omicron.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ramil Isigon, direkta sa United Kingdom, layunin ng agarang G7 meeting na pinatawag ni British Prime Minister Boris Johnson ay pag-usapan ang mga development kaugnay sa pagkalat ng Omicron.
Kabilang sa mga dadalo sa pagpupulong ay mga health minister mula sa Canada, France, Germany, Italy, Japan, UK at United States.
Mandatory na rin aniya ang pagsuot ng face mask sa UK at kailangang sumailalim sa RT-PCR test kahit ano pa ang kanilang vaccination status.
Ang mga magpopositibo naman sa COVID ay obligadong mag-self isolate hanggang sa magnegatibo sa virus.