Hindi na dapat ituring bilang isolated cases ang mga nangyayaring insidente ng umano’y hazing sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA), ayon sa isang kongresista.
Sinabi ito ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun kasunod nang pagkamatay ni Cadet Third Class George Karl Magsay matapos na mapaulat na sinuntok daw ito ng limang beses ng upperclassman niya na si Cadet Second Class Steve Ceasar Maingat.
Ayon kay Fortun, miyembro ng House committees on public order and safety at human rights, noong 2019 lang apat na kadete ng PNPA ang kinasuhan dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law dahil sa paggulpu si sa kapwa kadete na si John Desiderio.
Samantala, iginiit ni Fortun na dapat manghimasok na ang National Bureau of Investigation sa kaso ni Magsayo para matiyak ang komprehensibo, patas at impartial investigation sa insidenteng ito sa PNPA.
Dapat na magkaroon din ng administrative proceedings ang National Police Commissin para matiyak na it ay maging basehan nang paglabag sa Anti-Hazing Law at hindi basta kaso lamang ng homicide.
Hindi rin aniya dapat magbulag-bulagan ang pamunuan ng PNP sa pangyayaring ito at basta kalimutan lamang.
Sa ngayon, ipinag-utos na ni PNP chief Guillermo Eleazar ang review sa mga polisiya sa PNPA para maiwasan na maulit ang pangyayaring ito sa hinaharap.