-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Atty. Rameses Victorious Villagonzalo na hindi makakaapekto sa merito ng impeachment case ang mga nakitang typographical errors, tulad ng pagkakamali sa mga pangalan, numero, o titik sa mga dokumento.

Ayon kay Atty. Villagonzalo, kung ito ay isang ordinaryong criminal case, ang mga naturang typographical errors ay maaaring gamitin at samantalahin ng defense o panig ng nasasakdal para sa kanilang kapakinabangan.

Subalit, dahil ito ay isang impeachment case, maituturì lamang itong mga harmless error.

Ipinaliwanag ng abogado na ang pangunahing isyu na dapat matugunan sa usapin ay kung nagbanta nga ba talaga ang Pangalawang Pangulo sa Pangulo sa naganap na news conference.

Dagdag pa niya, paulit-ulit na babalik ang kaso sa pangunahing isyung ito, kaya naman ang maliliit na pagkakamali sa teknikalidad ng dokumento ay hindi sapat upang mabago ang takbo o bigat ng kaso.