-- Advertisements --

Dinala sa pagamutan ang hari ng Zuu sa South Africa na si Zulu King Misuzulu kaZwelithini matapos na umanoy malason.

Ayon sa traditional prime minister nito na si Chief Mangosuthu Buthelezi nagtungo pa ito sa Eswatini dahil sa hindi siya kumportble na magpatingin sa South Africa.

Noong nakaraang mga linggo kasi ay nasawi ang isa nitong senior adviser dahil sa pinaghihinalaang nilason din.

Sinabi naman ng tagapagsalita nito bumubuti na rin ang kalusugan ng kanilang hari at kailangan lamang niya ng pamamahinga ng ilang araw sa pagamutan.