Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso ng pagpapasabog sa tapat ng Korean restaurant sa South Triangle, Quezon City nitong madaling araw.

Batay sa ulat, basag ang ilang paso ng halaman, habang nagasgasan ang dalawang nakaparadang sasakyan sa harap ng establisyemento nang mangyari ang insidente.

Ayon kay police Lt. Col. Louise Tremor, hepe ng Kamuning Police Station, isang lalaking naka-itim ang naghagis ng paper bag sa tapat ng kainan bago nangyari ang pagsabog.

Pasado ala-1:00 ng madaling araw naitala ang insidente.