-- Advertisements --
track hanna

Lalo pang lumakas ang bagyong Hanna habang nananatili sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 785 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

May taglay itong lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.

Inaasahang dahil sa paglakas nito ay lalo pang paiigtingin ang paghatak sa hanging habagat na nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking parte ng ating bansa.