NAGA CITY- All set na ang isasagawang Handog Pasasalamat ng Bombo Radyo at Star FM sa Penafrancia Festival 2019.

Magsisimula ang aktibidad mamayang alas-6:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hating gabi sa Plaza Quezon, pagkatapos mismo ng fluvial procession.

Matutunghayan ng mga manonood ang mga pasabog ng iba’t ibang local bands, parlor games at mga naghihintay na papremyo.

Ang taunang concert ng Bombo Radyo ay isinasagwa bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng kapistahan ni Nuestra Senora de Penafrancia.

Kaugnay nito, pinahigpit rin ng mga otoridad ang seguridad sa naturang aktibidad.