-- Advertisements --

Hinimok ng mga senador ang Department of Health (DOH) na bumuo ng malinaw na protocol kung paano iingatan ang bakuna pagdating sa local level.

Ayon kay Senate committee on tourism chairperson Sen. Nancy Binay, makakatulong kung may checklist at briefer hinggil sa tamang paghawak ng bakuna mula sa pagbabiyahe hanggang sa maiturok ito.

Para sa mambabatas, mahalagang matiyak ang kalidad ng bakuna at masunod ang deadline, pati na ang paglalabas ng mga ito mula sa freezer.

Matatandaang mahigit 7,000 AstraZeneca vaccines ang kinailangang bawiin dahil isyu sa handling ng LGUs.