Tila sumusuko na ang Hamas militants sa pakipagpalitan ng mga rockets sa pagitan nila ng Israeli military.
Ito’y dahil umaasa raecngayon ang senior Hamas officials na may mangyayaring ceasefire sa pagitan nila ng Israel sa loob nitong linggo.
Ngunit, patuloy pa rin na nanindigan si Israeli PM Benjamin Netanyahun na ipagpapatuloy ang karahasan hanggang sa maibalik daw ang katahimikan, seguridad at maibalik sa normal ang pamumuhay ng mamamayan ng Israel.
Mahigit 100 Israeli air strikes na ang inilusad sa Hamas infrastructures sa North Gaza.
Nananatili naman na gumaganti ang Palestinian militants gamit ang rocket fires.
Umakyat na rin sa 227 katao ang patay sa karahasan na kinabibilangan sa mahigit 100 babae at mga bata.
Nasa 150 militants naman ang namatay kung saan karamihan sa kanila ay nagmula sa Gaza.
Hangad ng senior Hamas officials na may mangyaring ceasefire base sa mutual agreement.