-- Advertisements --
Nagmatigas ang Hamas na hindi sila magpapakawala ng mga bihag nila hanggang hindi magpasya ang Israel na tapusin na ang military operations doon.
Ang nasabing pahayag ay inilabas matapos ang pagtungo ng senior official ng Hamas sa Cairo, Egypt.
Hindi naman nagpatinag ang Israel kung saan naglabas din ng pahayag si Prime Minister Benjamin Netanyahu na kung hindi susuko ang mga Hamas ay maari nila itong ikamatay.
Wala na aniya silang pagpipilian dahil matapos na sila ay mabura ay titiyakin umano nito na hindi na magiging banta pa ang Gaza sa Israel.