-- Advertisements --

Nasa 155 na bihag pa ang hawak ng mga Hamas militants matapos ang surpresang pag-atake nila sa Israel.

Ayon kay Israeli President Isaac Herzog, na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para mapalaya ang nasabing mga bihag.

Humingi na rin sila ng tulong sa ilang mga international agencies para kausapin ang mga may hawak ng bihag na palayain ang mga ito.

Aminado ito na kumplikado ang sitwasyon dahil hindi kinikilala ng mga Hamas ang mga international humanitarian law.

Pinasalamatan nito ang US dahil sa tulong na ibinigay nito sa Israel.