-- Advertisements --
Patuloy na hindi pinapansin ng mga Hamas militants ang panawagan ng muling pagpapalaya ng mga bihag.
Pinangungunahan ng US at Qatar na sila ang namamagitan sa nasabing negosasyon.
Sa ipinarating nilang impormasyon sa Hamas ay kung maaring makabalik sa negosasyon at para makalaya na ang mga natitirang bihag na babae ganun din ang mga lalaki.
Makailang ulit aniya nilang ipinarating ang kahilingan sa Hamas subalit nagiging matigas ang nasabing grupo.
Magugunitang makailang beses na nagkaroon ng tigil putukan kung saan papalayain ng mga Hamas ang bihag habang papalayain ng Israel ang mga Palestinian na kanilang ikinulong.