-- Advertisements --

Wala pa ring nabubuong konkretong usapan sa peace negotiation sa pagitan ng Hamas at Israel.

Sa pangalawang araw na isinasagawang pag-uusap sa Egypt ay may ilang mga ‘demand’ pa ang mga Hamas para tuluyang makamit ang kapayapaan.

Minaliit ng Hamas na kailangan makatanggap ng international guarantte para final ceasefire kabilang ang pagtanggal ng mga sundalo ng Israel sa teritoryo ng Gaza.

Hiling din ng Hamas na kasabay ng pagpapakawala nila ng bihag ay tuluyan ng lumayas dapat ang mga sundalo ng Israel.

Nakatakda ring magtungo sa Egypt ang ilang opisyal ng Qatar para makisali sa pagiging mediator nila sa tuluyang pagpapatupad ng ceasefire.