Aabot sa P7 million halaga ng mga nagamit nang mga damit o makilalang ukay-ukay ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) Port of Manila (POM).
Ayon sa BoC, nasabat nila ang dalawang containers na mayroong misdeclared na mga damit o mga ukay-ukay noong Disyembre 29, 2020 o ilang araw lamang bago ang Bagong Taon.
Sa pamamagitan ng alert order na inisyu ni Port District Collector Michael Angelo Vargas at pakikipag-ugnayan sa BoC Intelligence Group, naharang nila ang shipment na nakapangalan sa MGGF International Trading Corp.
Nakapasok ito sa bansa mula China sa kasagsagan ng Holiday season at idineklarang mga tissue.
Pero nang magsagawa ng pagsusuri ang mga tauhan ng BoC sa container ay dito na tumambad ang kontrabando na tinatayang nagkakahalaga ng P7.853 Million.
Agad namang kinuha ng BoC ang shipment dahil sa paglaba sa Section 1400 na may kaugnayan sa Section 1113 ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tattif Act (CMTA).
Patuloy na ring ipinoproseso ng BoC ang revocation ng accrediation ng impoter ng mga ukay-ukay.
Sa isang statement, siniguro ni POM District Collector Vargas na hindi raw palulusutin ng Port of Manila ang pagpasok ng mga iligal at smuggled good sa bansa.
Binigyan diin nitong hindi makakalusot ang lahat ng mga iligal na kargamento dahil wala umanong pahinga ang kanilang mga tauhan kahit noong holiday season na nagresulta nang pagkakasabat sa mga damit.