-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap na ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2022) ang itinuring ng anti-narcotics forces na high value targets na unang naaresto sa pinag-isang operasyon kasama ang pulisya sa Barangay Pindolonan,bayan ng Bubong,Lanao del Sur.

Kabilang sa mga naaresto ng puwersa ni Philipine Drug Enforcement Agency – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) regional director Gil Cesario Castro ay sina Jamel Dimaporo alyas Ustad,29 anyos at ang 19 anyos rin na si Jalil Macaayong na kapwa residente sa nabanggit na probinsya.

Sinabi ni Castro na nakompiska mula sa kanila ang tinatayang isang kilo ng suspected shabu na mayroong estimated market value na halos pitong milyong piso at ibang paraphernalia.

Nag-ugat ang pagka-aresto ng dalawa kasunod nang pagkanta ng isa pang Lawa Abedin na umano’y nakunan rin ng halos pitong milyong halaga ng suspected shabu sa unang operasyon ng PDEA-BARMM sa Barangay Bugaran,Piagapo,Lanao del Sur mismo sa loob lang ng buwang ito.

Magugunitang naisalysay rin ng ahensiya na simula Enero hanggang sa linggong kasalukuyan nitong taon ay tinatayang nasa P30 milyon na ng suspected shabu na ang nabawi mula sa ilang mga arestadong personalidad sa loob ng BARMM.