Umabot na sa halos P6 million cash assistance ang natanggap ng mga mangingisda at senior citizens mula sa bayan ng Aborlan, Palawan na apektado ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.
Nasa 1,589 fisherfolk at indigent senior citizens ang nakinabang sa ayuda na bahagi ng commitment ni House Speaker Martin Romualdez.
Ang mga beneficiaries ay kinabibilangan ng limang grupo ng mga mangingisda kasama ang Landing Fisherfolk Association at Culandanum Fishermen’s Association.
Ipinamahagi ang cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng DSWD sa pamamagitan ng Palawan Third District Caretaker Office.
Halos 600 mangingisda mula sa dalawang barangay ang nabigyan ng P5,000 habang P3,000 naman ang iniabot sa 1,000 senior citizens.
Ayon kay Romualdez, ang payout ay pagtupad sa kanyang pangako sa mga naapektuhang residente ng Aborlan bilang kanilang caretaker kasunod ng pagpanaw ni Congressman Edward Hagedorn.
Mababatid na pinangakuan din ni Romualdez ang mga mangingisda na pagkakalooban ng scholarship ang kanilang mga anak at bibigyan ang pamilya ng alternatibong kabuhayan tulad ng food processing facilities.