Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit isang toneladang iligal na droga na nasamsam sa ilang mga anti-drug operations.
Ang iligal na mga droga ay sinunog sa isang thermal incinerator na naka-crank hanggang 1,000°C sa Trece Martires, Cavite.
Kasama sa mga winasak na droga ang 274-kilo ng shabu na nakumpiska sa Manila International Container Port noong Oktubre 6.
Ayon kay PDEA chief Moro Virgilio Lazo, ang dahilan ng mabilis na pagsira o pagsunog sa mga nasabat na droga ay wala itong mga kinauukulang mga kaso na kakailanganin pa ng permiso ng korte upang sunugin.
Kaugnay nito, sa datos na inilabas ng PDEA, 64,862 drug offenders ang naaresto mula Hulyo 2022 hanggang Setyembre 2023.
Una na rito, may 60% na pagtaas sa halaga ng mga nakumpiskang shabu, ngunit 52% na pagbaba sa mga nasawi na may kaugnayan sa droga.