-- Advertisements --
image 275

Halos nasa P50 bilyon ang pinag-aaralang social pension fund para sa mga mahihirap na senior citizen sa susunod na taon.

Sa naitalang P5.768-trillion 2024 National Expenditure Program, nasa P49.81 bilyon ang inilaan para pondohan ang social pension ng indigent senior citizens.

Ito ay 97 percent surge mula sa budget ngayong taon na P25.3 bilyon.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman., sasaklawin nito ang tumaas na buwanang allowance ng gobyerno na P1,000 para sa higit sa apat na milyong mahihirap na senior citizen na hindi bahagi ng pension system.

Ang Social Pension for Indigent Seniors Act, na naging batas noong Hulyo 2022, ay dinoble ang buwanang pensiyon mula P500 hanggang P1,000 bawat validated indigent senior citizen sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) program.

Para sa 2024, ang sektor ng serbisyong panlipunan ay makakakuha ng P2.183 trilyon o 37.9% ng nasabing budget.

Ang naturang programa, na nagsimula noong 2011 sa pamamagitan ng Expanded Senior Citizens Act, ay naglalayong dagdagan ang pang-araw-araw na gastusin at iba pang medikal na pangangailangan ng mga mahihirap na senior citizen na mahina, may sakit o may kapansanan, na walang regular na kita o suporta mula sa pamilya at mga walang pensiyon mula sa mga institusyong pribado o pamahalaan.