-- Advertisements --
image 322

Papalo sa milyon-milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasa nitong buy-bust operation sa Parañaque City.

Sa ulat ay umabot sa 7.2 kilos o may katumbas na Php48,960,000.00 na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng PDEA sa ikinasa nitong operasyon kung saan naaresto nito ang mga suspek na kinilalang sina Normina Nandang Egoy, 38 taong gulang; Alfredo Ogali Egoy, 48; at Alvino Ogali Egoy, 47.

Samantala, bukod sa ilegal na droga ay nakumpiska rin ng mga otoridad mula sa kanilang operasyon ay ang weighing scale, plastics, lighter, anim na cellphone, isang Php500 bill, at Record Notebooks, bank slips, iba’t-ibang financial documents, at ATM bank cards.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Article II, Republic Act (RA) 9165 o ang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturang mga suspek.