LAOAG CITY – Matagumpay na nahuli ng mga otoridad ang tatlong lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation sa Sitio Nagcalaoan, Brgy 17, Tabug, Batac City, Ilocos Norte.

Nakilala ang mga suspek na sina MICHAEL BUL-LALAYAO y MACADAEG aka “PUNAR”, 36, residente sa Tabug, Batac City; AUSTIN MARLOU CALACAL y DUMLAO, 22, binata, resident sa Brgy Bil-loca, Batac City at si HASSANOR LUMNA y RENEBOR, 34, may asawa, negosyante at residente naman sa Brgy Dancel, Dingras, Ilocos Norte.

Ayon sa report, agad hinuli ng mga otoridad ang mga suspek matapos nagtinda ng dalawang maliliit na plastic sachet na naglalaman umano ng shabu sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer na nagkakahalaga ng dalawang libong piso.

Sa pagkapkap ng mga otoridad sa mga suspek ay nakakumpiska pa sila ng 4 pang malalaking sachet na naglalaman umano ng shabu na may bigat na 26.08 grams at nagkakahalaga ng P260,800.00

Sa ngayon, nanatili sa kustodya ng PNP-Batac ang mga suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga ito.