illigal na paputok

LA UNION – Aabot na sa halos P200,000 ang halaga ng nakumpiskang illigal na paputok sa nakalipas na selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa buong Region 1.

Ito ang napag-alaman ng Bombo Radyo La Union kay Police Brig. Gen. Joel Urdoña Regional Director ng Police Regional Office 1 (PRO-1).

Ayon kay Urdoña mula noong December 16 hanggang sa kasalukuyan ay nakakumpiska na umano sila ng P189,539.00 halaga ng mga illigal na paputok.

Maliban pa dito, nakapagtala rin sila ng apat na kaso ng indiscriminate firing kung saan (3) dito ang civilian at (1) ang CAFGU.

Mayroon din naitalang stray bullet sa lalawigan ng Ilocos Norte ayon sa kanya.

35 naman ang kanilang inaresto habang dalawa ang at large na nahaharap sa paglabag sa RA 7183.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa ng mga otoridad ang mga naaresto habang inihahanda naman ang gagawing pagsira sa mga illigal na paputok.