Nasa P19.2 Million ang nakolekta ng Social Security System mula sa mga delikwenteng mga employers sa National Capital Region.
Ayon kay SSS NCR Acting Director Maria Rita Aguja, ang nasabing halaga ay nakolekta mula Marso hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Ito ay sa pamamagitan ng 40 operations na kanilang isinagawa, sa ilalim ng Run Against Contribution Evaders(RACE)
Nangako naman si Aguja na ipagpapatuloy ng SSS ang paghahabol sa mga delinkwenteng mga employer sa buong NCR upang matiyak na ang mga empleyado ay may sapat at akmang Social benefits.
Kapag hindi nababayaran o kulang ang naibabayad kasi ng mga employers sa kontribusyon ng kanilang mga empleyado, naiipit ang mga SSS members, hanggang sa natatagalan na rin silang makakuha ng kanilang benepisyo.
Paalala nito sa mga business owners na bayaran ang akmang kontribusyon ng kanilang mga empleyado, dahil sa karapatan aniya nila ito, sa ilalim ng umiiral na batas ng bansa.