-- Advertisements --
MAYOR CHAN 1

CEBU CITY – Umabot sa halos P100,000 na halaga ng bote-boteng alak ang nasakote ng mga otoridad sa Lapu-Lapu City na nakatakda sanang i-deliver mula sa isang tindahan sa Purok Ube, Brgy. Gun-on ng naturang syudad.

Arestado ang mga suspek na pinaniniwalaang bumili ng naturang alak kabilang din ang tinuturong nagbenta nito.

Mismong si Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan ang kabilang sa operating team na umaresto kila Baltazar Arenas, Ronnie Toribio at ang di umano’y nagbenta ng alak na si Tony Canedo.

Kabilang sa mga nasabat ay dalawang motorsiklo at isang truck na pinaniwalaang ginagamit ng mga suspek sa pagde-deliver ng naturang alcoholic beverages.

Ayon kay Mayor Chan, isang malinaw na paglabag sa order na nagbabawal sa pagbebenta at pagbili ng alak ngayong may ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa lungsod.

Depensa ng isa mga na-aresto ay akala niya na-lift na ang liquor ban sa Lapu-Lapu City dahil sa isang post sa social media.