Nasamsam ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service (BOC-ESS) ang 81 shipments mula Enero hanggang Marso, na may tinatayang halaga na P999.4 million.
Inihayag ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio na noong 2022, nakapagtala ang Enforcement and Security Service o ESS ng 397 na nasamsam na mga kargamento.
Aniya, ang mga nasamsam ay nagkakahalaga ng mahigit sa P1 billion.
Sa pagdiriwang, kinilala ni Rubio ang malaking kontribusyon ng Enforcement and Security Service sa pinalakas na mga hakbangin sa proteksyon sa hangganan ng bureau.
Ang Enforcement and Security Service ay nananatiling hindi lamang nangunguna sa proteksyon sa hangganan ng bansa kundi pati na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad na nagsisiguro sa kaligtasan ng buong komunidad ng Customs.
Una na rito, patuloy na nagpapatupad ang kawanihan ng mas mataas na mga hakbang sa seguridad upang makamit ang misyon nito na protektahan ang mga pambansang hangganan at protektahan ang mga kita ng pamahalaan.