-- Advertisements --
mALARIA MORQUITO

Iniulat ng Department of Health na aabot sa kabuuang 4,777 na kaso ng malaria mula buwan ng January hanggang September ang naitala ng DOH ngayong taon.

Tumaas ito ng mahigit tatlong libo kung ikukumpara sa mga kaso na naitala noong nakaraang taon.

Ayon kay Jhobert Bernal, technical supervisor para sa Research Institute for Tropical Medicine’s National Reference Laboratories for Malaria and other Parasites, ang malaria ay nananatiling hamon sa kalusugan sa buong mundo.

Ito ay nakakaapekto sa milyung-milyong buhay partikular na sa mga vulnerable sectors.

Kabilang sa mga lalawigang patuloy na nakapagtatala ng malaria ay ang Occidental Mindoro, Sultan Kudarat, at Palawan.

Paliwanag ni Bernal , ang Palawan ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso ng malaria, na umaabot sa 80% hanggang 90% ng kabuuan.

Kabilang sa mga pinaka-apektado ang mga nasa edad limang taong gulang hanggang 19, mga buntis, at mga may recurring infections.

Giit ng opisyal, napakahalaga ng pagpapa test at konsultasyon upang mabigyan ng agarang lunas o magamot ang isang tao at ma pigilan ang pagkalat ng sakit sa komunidad.

Ang buwang ito ng Nobyembre ay idineklara bilang Malaria Awareness Month upang tugunan ang tumataas na kaso ng malaria.

Bagama’t nakamamatay, ang malaria ay maiiwasan naman at nalulunasan ito.

Ayon sa DOH, layunin nito na ideklara ang 81 sa 82 probinsya sa buong bansa bilang malaria-free, kung saan ang Palawan ang nananatiling pinagtutuunan ng pansin.