-- Advertisements --

Halos nasa kalahating porysyento o 49% ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap ayon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ito ay bahagyang tumaas kumpara sa 48% na naitala sa nakalipas na survey noong June 2022 bunsod ng bahagyang pagtaas ng mga pamilya na nagsasabing mahirap sila mula sa Visayas, Metro Manila at Mindanao kabilang ang naitalang steady percentage sa Balance Luzon o Luzon sa labas ng NCR.

Nasa 29% ng pamilyang Pilipino naman ang nasabing sila ay nasa “borderline” ang status ng kanilang pamumuhay na bahagya namang bumaba mula sa dating 31% habang naas 21% naman ang inuri ang kanilang sarili na hindi mahirap.

Isinagawa ang naturang survey mula noong September 29 hanggang October 2, 2022 at ito ang unang survey sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa SWS, ang nasa 12.6 million ang bilang ng mga pamilyang inuri ang kanilang sarili na mahirap para sa buwan ng Oktubre 2022at 12.2 million naman noong June 2022.

Top