Lumago sa halos isang milyon ang bilang ng mga naapektuhan ng shear line na nagdulot ng pag-ulan at pagbaha sa rehiyon ng Davao at Caraga.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council aabot sa 506 na mga rehiyong ito ang apektado ng sama ng panahon.
Ito ay katumbas ng 217,858 pamilya o 975,306 indibidwal.
Tumaas ito ng 128,069 affected individual mula sa nakaraang datos ng 847,237 apektadong indibidwal o 191,376 pamilya.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council , ang Davao region ang may pinakamaraming apektadong indibidwal na mayroong 199,462 pamilya (908,654 indibidwal).
Aabot naman sa 18,396 pamilya o 66,652 na indibidwal ang apektado sa Caraga.
Samantala , sa mga apektadong populasyon, may kabuuang 27,070 (98,138 indibidwal) ang nawalan ng tirahan ngunit bumaba ang bilang sa 151 pamilya o 546 na indibidwal.
Iniugnay naman ni NDRRMC executive director at Office of Civil Defense administrator Ariel Nepomuceno ang patuloy na pagtaas ng apektadong populasyon sa pagkaantala ng pag-uulat mula sa mga local government units.
Ayon kay Nepomuceno, patuloy ang pagpasok ng mga validated reports mula sa LGUs, lalo na sa Region XI (Davao region).
Binanggit rin niya na ang lagay ng panahon sa mga rehiyong ito ay lubos na bumuti kumpara sa ilang linggo na ang nakalipas nang naiulat ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Sinabi pa ni Nepomuceno na maulap ang papawirin sa dalawang rehiyon na may panaka-nakang pag-ulan simula kahapon.