Daan-daang person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison ang bumoto para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Ito umano ang unang pagkakataon na ginanap ang BSKE sa national penitentiary sa Muntinlupa City.
Alas-6 ng umaga sana nagsimula ang botohan ngunit dahil sa pagkaantala, bandang 7:20 ng umaga nagsimula ang election proper.
Ang mga bilanggo na ang mga kaso ay nasa apela pa rin ay may karapatang bumoto.
Matatandaan na pinahintulutan ang mga kandidato na magpakilala at ibahagi ang kanilang mga plataporma sa loob ng Bilibid sa panahon ng kampanya.
Isang special electoral board ang binuo rin para sa mga inmates na binubuo ng 3 miyembro, ito ay ang chairperson, poll clerk at ang ikatlong miyembro.
Sa orihinal, 900 na mga bilanggo ang pinayagang bumoto ngunit ito ay nabawasan ng hanggang 880.