-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Mamamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng tulong pinansyal sa mga magsasaka sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon kay Joe Casibang mula sa Office of Provincial Agriculturist (OPAG), inaasahang makikinabang sa programa ang halos 7,700 rice farmers sa lalawigan.

Inihayag niyang makakatanggap ang bawat magsasaka ng tig-P5,000 na tulong pinansyal.

Ipinaliwanag niyang nanggaling ang pondo sa taripang nakolekta ng pamahalaan mula sa mga inaangkat na bigas.

Sinabi niyang magiging prayoridad sa programa ang mga magsasakang mayroong dalawang ektaryang palayan o kaya’y mas mababa pa at ang mga naapektuhan sa mababang presyo ng palay noong nakaraang taon.

Ayon naman sa Department of Agriculture, kailangang rehistrado ang mga magsasaka sa Registry System for Basic Sector in Agriculture para makatanggap sila ng nasabing pinansyal na tulong.