-- Advertisements --
Nasa 56 na katao ang namatay sa air strikes sa northern Tigray region, Ethiopia.
Ang strikes na isinagawa ng madaling araw ay tumama raw sa isang paaralan na ginawang internally-displaced people’s center sa Dedebit town, northwest Tigray.
Mayroon naman umanong 30 dinala sa pinakamalapit na ospital sa lugar.
Ayon kay Prime Minister Abiy Ahmed, ang pamahalaan nito ay nakikipaglaban sa mga rebelde mula sa Tigray People’s Liberation Front sa loob na ng 14 buwan.
Dahil dito, nag-iwan daw ang kaguluhan ng milyong kataong nangangailangan ng tulong.
Mahigit 140 katao na ang namatay sa serye ng mga air strikes sa northern Ethiopia mula noong buwan ng Oktubre.