-- Advertisements --
image 584

Isinugod sa pagamutan ang nasa 58 estudyante mula sa Tuy, Batangas matapos na mahirapang huminga dahil sa volcanic smog mula sa bulkang Taal.

Kinumpirma ni Tuy Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) officer-in-charge Jackie de Taza na nang mamahagi sila ng facemasks sa Tuy Senior High School dumaing ang ilang estudyante na nahihirapan silang huminga at nakaranas ng pananakit ng dibdib.

Aniya, nasa 45 estudyante ang isinugod sa Rural Health Unit nitong hapon ng Huwebes at umakyat pa ang naturang bilang ng mga indibidwal na nagkasakit sa 57 kinagabihan matapos makalanghap ng polluted air.

Habang may isa pa na estudyante mula sa pribadong eskwelahan ang nagkasakit dahil sa smog kayat umakyat pa sa 58 ang kabuuang bilang ng mga isinugod na pasyente. Nasa mabuting kalagayan naman na private student at nakatakdang ma-discharge ngayong araw.

Kasama sa mga isinugod ang mga estudyante mula sa Jose Lopez Manzano National high School.

Inihayag ng MDRRMO na noon pang nakalipas na araw ng Sabado nakaranas ng vog ang mga residente subalit hindi gaanong malala gaya ng naging sitwasyon kahapon.

Una ng kinansela ang klase sa lahat ng antas sa Tuy, Batangas dahil sa volcanic smog mula sa bulkang Taal.