-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na umabot na sa 5,938 OFWs at kanilang dependents ang na-repatriate mula sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, 5,404 dito ay pinondohan ng gobyerno mula Marso 5 hanggang Abril 13, kung saan 4,234 ay OFWs at 1,170 ang dependents.

Pinakamarami ang mula sa United Arab Emirates, sinundan ng Saudi Arabia at Kuwait, habang may mga naiuwi rin mula sa iba pang bansa sa rehiyon.

Dumating din ang ikasiyam na chartered flight mula Dubai, lulan ang 342 Pilipino.

Pagdating sa bansa, tumanggap sila ng tulong gaya ng cash aid, tirahan, transportasyon, serbisyong medikal, at psychosocial support, kasama ang reintegration assistance mula sa pamahalaan para matulungan ang mga repatriate na makapagsimulang muli sa bansa.