-- Advertisements --

Nakarekober na ang dalawa sa pitong Pilipinong tripulante na nasugatan sa drone attack sa MV San Antonio sa Strait of Hormuz noong Mayo 5 at nakauwi na nitong Biyernes, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Ayon kay Cacdac, ligtas na rin at nagpapagaling sa ospital sa Oman ang lima pang sugatang tripulante.

Dalawa sa kanila ang inilipat sa ibang ospital para sa karagdagang gamutan ngunit nasa stable condition na.

Sinabi rin niyang ang pinaka-malubhang kaso na naka-intubate noon ay na-extubate na at hindi na life-threatening ang kondisyon bagama’t nasa ICU pa rin.

Tiniyak din ng DMW na patuloy na matatanggap ng pitong tripulante ang kanilang sahod at family allotments habang nagpapagaling.