-- Advertisements --
image 61

Umabot sa kabuuang apat na raan siyamnapu’t pitong (497) Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa Bureau of Corrections’ (BuCor) New Bilibid Prison (NBP) ang dumating at inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF).

Ang paglilipat ng mga Persons Deprived of Liberty ay bahagi pa rin ng decongestion process ng pamahalaan sa populasyon ng mga Persons Deprived of Liberty sa  New Bilibid Prison.

Patuloy pa rin kase ang pagdami ng mga bilanggo sa Bilibid dahilan upang magsiksikan ang mga ito at kumalat ang mga sakit partikular na ang sakit sa balat. 

Ang matagumpay na paglilipat ay naging posible dahil sa tulong ng mga lokal na ahensya ng pamahalaan kabilang na ang  Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), City Mobile Force Company, PPC Port Police, PPC Explosive Ordnance Disposal (EOD), City Traffic Management Office (CTMO), PNP Hi-Way Patrol Group, City Anti-Crime Task Force, Kilos Agad Action Center (KAAC), 3rd Marine Brigade, at Second Maritime Special Operations Unit .

Kabilang sa mga maayos na nailipat ay 447 na lalaki at 50 na babaeng bilanggo patungo sa kanikanilang prison camps.