Nasawi ang nasa 49 na mga sibilyan at 15 sundalo ng gobyerno sa dalawang pag-atake ng Islamic insurgents sa hilagang bahagi ng Mali base sa provisional death toll na ibinigay ng military junta ng naturang bansa.
Sa statement ng junta, tinarget umano ang isang passenger boat malapit sa kabisera ng Timbuktu sa may Niger River at ang Malian military na nasa Bamba sa Gao region.
Nasa likod ng pag-atake ang Islamic extremist insurgent group na JNIM na isang umbrella coalition ng armadong grupo na konektado sa al-Qaida.
Inanunsiyo naman ng Malian government na napatay ng kanilang pwersa ang nasa 50 miyembro ng umatakeng insurgents.
Dahil sa malagim na trahediya, nag-alay ng 3 araw na national mourning para bigyang pugay ang mga sibilya at mga sundalong napatay simula ngayong araw ng Biyernes.
Ang deadly attacks na ito ng Islamic insurgents ay kasunod ng paghahanda ng UN sa pag-withdraw ng kanilang 17,000 sundalo na nasa peacekeeping mission na MINUSMA mula sa Mali alinsunod na rin sa request ng gobyerno ng Mali.