-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nasa 44 na miyembro ng communist terrorist groups ang iprinisenta sa bagong upo na regional director ng Police Regional Office (PRO)-12, sa Kiamba Municipal Hall, Kiamba, Sarangani Province.

Isa sa sumuko ang lider nilang si alyas Tiger kasabay ng paghingi ng paumanhin sa gobyerno para sa mga nagawang masama sa lipunan.

Naganap ito sa press conference ng Joint Provincial and Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict kahapon.

Dito ay iprinisenta rin ang iba’t ibang uri ng high powered firearms, ammunitions at mga pampasabog.

Sa nakuhang impormasyon mula kay PLt/C. Lino D. Capellan, tagapagsalita ng PRO-12, ang nasabing mga dating terrorists members ay kumikilos sa iba’t ibang lugar sa Sarangani Province partikular sa bayan ng Maasim, Kiamba at Maitum.

-- Advertisement --

Samantala, may mga sinunog na communist flag at ilang doctrinal documents.