CAUAYAN CITY-Nasa 36 na COVId 19 cases ang nanatili sa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glen matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, sinabi niya na mula sa naturang bilang tinatayang nasa 21ang confirmed cases.
Labing anim ang mula sa Cagayan at lima sa Isabela.
Maliban dito ay binabantayan rin ng CVMC ang 15 suspected cases.
Ang mga suspected cases ay naghihintay ng resulta ng kanilang SWAB test habang sumasailalim sa isolation sa kanilang COVID 19 ward at karamihan sa mga ito ay mula sa Cagayan, Isabela at Cordillera Administrative Region.
Samantala, tuloy tuloy ang operasyon at pagtanggap ng non COVID patients ng CVMC, nanatili ring bukas ang kanilang Outpatient Department para sa admission ng mga non COVID related illness.