Nasabat ng kapulisan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang nasa 280,000 na halaga ng ng mga pekeng sigarilyo sa bahagi ng Sulu.
Sa naging pahayag ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, iniwan umano ng mga smugglers ang mga nasabing kontrabando matapos na makita ang mga miyembro ng Indanan Municipal Police Station na unang na unang nagsagawa ng operasyon.
Ang mga nasabing kontrabando ay nakalagay sa mga malalaking kahon, na pinaniniwalaang ibiniyahe gamit ang sasakyang pandagat, mula Indonesia. Ang mga ito ay dumaong umano sa isang pantalan ng bayan ng Indanan at pinaniniwalaang sa bayan din ng Indanan ibebenta.
Maliban sa intel ng PNP, naging malaking tulong din umano ang impormasyon na ibinahagi ng mga residente sa PNP, lalo na at sila ang unang nakakita sa dumaong na bangka.
Ayon kay Indanan MPS PMaj. Edwin Catayao Sapa, hindi bababa sa P10 Milyon na halaga ng imported na mga sigarilyo ang kanilang nasabat at nakumpiska sa kanilang mga serye ng operasyon sa nakalipas na dalawang taon.